IIMBESTIGAHAN | Kita ni CJ Sereno, pinaiimbestigahan sa BIR

Manila, Philippines – Inatasan ni House Committee on Justice Chairman Reynaldo Umali ang Bureau of Internal Revenue na imbestigahan ang mga kinita ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Layon ng pagpapasiyasat sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na tukuyin kung nagbabayad ba ng tamang buwis si Sereno at kung nagdeklara ba ito ng tama sa kanyang mga kinita.

Binigyan lamang ni Umali ng hanggang February 19 ang BIR para magsumite ng kanilang report sa kinita ni Sereno.


Ayon naman kay Deputy Commissioner for Operations Arnell Guballa, nangangalap pa sila ng mga dokumento upang magsagawa ng pormal na pagsisiyasat.

Nilinaw ni Guballa na lahat ng mga inihaing Income Tax Return (ITR) ng mga taxpayers ay kanilang sinusuri kung ang mga ito ay kailangang imbestigahan.

Pero sa usapin ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ay walang hurisdiksyon ang ahensya dito.

Sinasabing 17 beses na hindi naghain ng kanyang SALN si Sereno na siya namang patuloy na iniimbestigahan ngayon ng Kamara.

Facebook Comments