Saudi Arabia – Iniimbestigahan na ng ating konsulada sa Jeddah ang pagkamatay ng isang Pilipino makaraan umanong mahulog sa tahanan ng pinagtatrabahuhang employer.
Ayon kay Consul General Edgar Badajos nangyari ang insidente Biyernes ng hapon kung saan nahulog mula sa ika-anim na palapag ang hindi pa pinangangalanang OFW na isang household service worker sa Holy City of Madinah, Saudi Arabia.
Sinabi pa ni Consul General Badajos na nagawa pang maisugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay dahil sa head injuries na tinamo.
Kaugnay nito nagpadala na ng team ang embahada ng Pilipinas upang makipagtulungan sa mga otoridad doon nang malaman kung ano ang tunay na rason ng pagkamatay ng OFW.
Facebook Comments