IIMBESTIGAHAN | Logging permits sa buong bansa, susuriin ng DENR

Manila, Philippines – Susuriin ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang logging permits sa buong bansa.

Ito’y matapos ang nangyaring malawakang pagbaha at pagguho ng lupa noong nanalasa ang bagyong Vinta sa Mindanao.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, 104 na kumpanya sa bansa ang iimbestigahan na may Integrated Forest Management Agreements (IFMA).


Aniya, pananagutin nila ang IFMA holders oras na nakitaan ito ng paglabag sa obligasyong pamahalaan ang kagubatan.

Kasabay nito, binigyan ni Cimatu ng hanggang Biyernes na deadline ang mga imbestigador sa mga lugar sa Zamboanga.

Una nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang logging operations sa Zamboanga Peninsula matapos sabihin ni Agriculture Secretary Manny Piñol kung paano nito pinalala ang epekto ng bagyo sa rehiyon.

Facebook Comments