Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang P8 billion contract para sa pagtatayo ng 5,700 Barangay Health Stations sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa noong 2015.
Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, maaring imbitahan ng NBI si dating Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin at iba pang dati at kasalukuyang health officials para sa gagawing fact-finding investigation.
Matatandaang ibinunyag ni DOH Secretary Francisco Duque III ang sinasabing iregularidad.
Sinabi ni Duque na nagkaroon ng problema sa level of planning, procurement at aktwal na implementasyon ng proyekto.
Mula sa 5,700 health units, nasa 218 Barangay Health Stations lang natapos na may kasamang kumpletong dokumento.