Manila, Philippines – Masusing iimbestigahan ngayon ni South Cemetery Administrator Maribel Bueza ang naiulat na masangsang na amoy sa loob ng South Cemetery.
Matatandaan na inireklamo ng ilang nakikilibing kay Anastacio Boy Boado sa South Cemetery ang masangsang na amoy na sinasabing nanggagaling sa bukas na nitso.
Tinawagan agad ng DZXL si Administrator Bueza at ipinaalam ang naturang insidente kung saan humingi ng paumanhin at nangako ang opisyal na agad niyang paiimbestigahan at aalamin sa guardya ng South Cemetery kung saan nanggagaling ang masangsang na amoy sa loob ng sementeryo.
Una rito, halos lahat ng nakikilibing sa loob ng South Cemetery ay nakatakip ang ilong sa tindi ng sangsang na amoy sa loob ng sementeryo.
Facebook Comments