IIMBESTIGAHAN | Mayor Beng Climaco, gustong pa-imbestigahan ang proseso sa pagpapagawa ng mga pabahay kabilang na ang nasirang tulay sa Zamboanga City

Zamboanga City – Agad nagawa ang foot bridge na nasira sa Zamboanga City kung saan nahulog ang ilang kongresista at Mayor sa Barangay Makiri.

Matatandaan, Huwebes nang magsagawa ng inspeksyon sa mga pabahay para sa mga biktima ng Zamboanga Siege sina Mayor Beng Climaco, house committee on housing and urban development chairman albee benitez at Zamboanga 1st District Rep. Celso Lobregat nang mangyari ang insidente.

Apela ngayon ni Mayor Climaco, imbestigahan ang naging proseso sa pagpapagawa ng mga pabahay gayundin ang nasirang tulay kung saan sila nahulog.
Ang gumuhong tulay ay bahagi ng Zamboanga City roadmap to recovery and reconstruction project.


Facebook Comments