Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Commission on Election (COMELEC) ang ilang paratang ni dating Senador Bongbong Marcos na nagkaroon ng dayaan noong halalan 2016.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, susuriin nila ang umano ay nawawalang audit logs ng automated counting machines na ginamit noong halalan.
Bukod sa audit logs, isa rin sa susuriin ang umano ay mga basang balota mula sa Bato, Camarines Sur.
Facebook Comments