IIMBESTIGAHAN | Naagnas na bangkay ng isang construction worker, natagpuan sa QC

Manila, Philippines – Hindi pa din matukoy ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng natagpuang bangkay sa isang construction site sa Eugenio Lopez Driver sa Quezon City.

Ang nasabing bangkay ay inaagnas na kaya at hinala ng mga imbestigador na matagal na itong nailibing sa naturang lugar.

Nabatid na naghuhukay ng drainage ang mga construction worker nang tumambad sa kanila ang biktima.


Kasalukuyan naman isinasailalim ng mga awtoridad sa autopsy ang bangkay.

Facebook Comments