IIMBESTIGAHAN | NBI – pumasok na rin sa imbestigasyon ng pag-ambush sa Mayor at Vice Mayor ng Balaoan, La Union

La Union – Iimbestigahan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ng pagpaslang kay Balaoan, La Union Vice Mayor Alfred Concepcion at body guard nito na si Mike Ulep.

Kasunod na rin ito ng direktiba ni Justice Sec. Menardo Guevarra.

Pero paglilinaw ng kalihim, mananatili pa rin sa Philippine National Police (PNP) ang pangunahing responsibilidad sa imbestigasyon at aalalay lang ang nbi para mapabilis ang pagresolba sa kaso.


Samantala, naka-half mast ang bandila sa munisipyo at iba pang pampublikong tanggapan sa balaon bilang pagpapakita ng pakikiramay sa bise alkalde.

Patuloy namang nagpapagaling ang kanyang anak at mayor ng Balaoan na si Aleli Concepcion na sugatan din sa nangyaring ambush.

Facebook Comments