IIMBESTIGAHAN | Ocular inspection, isasagawa sa Manila Pavilion Hotel and Casino

Manila, Philippines – Manila Fire District magsasagawa ang Manila Fire
District ng ocular inspection sa Manila Pavilion hotel ngayong umaga.

Isang araw matapos ang nangyaring malaking sunog kung saan lima ang nasawi,
ikinakasa ngayon ng Manila Fire District ang ocular inspection sa Manila
Pavilion Hotel and Casino ngayon umaga.

Ayon kay SFO4 Victor Pag-id ng Arson Investigation ng Manila Fire District,
layunin ng ocular inspection na kumalap ng karagdagang impormasyon para
matukoy ang dahilan ng pagsiklab ng apoy na nagsimula sa unang palapag ng
gusali.


Aalamin na rin umano ng Manila Bureau of Fire Protection kung gumana ang
water sprinkler at fire alarm ng hotel nang sumiklab ang sunog upang mapawi
ang agam agam na publiko na may paglabag ang may ari ng naturang hotel.

Paliwanag pa ni SFO4 Pag-id na matapos ang muling pagsiklab ng apoy sa
gusali dahil sa naiwang baga sa loob ng isa sa mga kwarto sa ikalimang
palapag ay wala nang naganap pa na muling pagsiklab ng apoy, indikasyon na
natapos na ang isinagawang mopping up operation ng BFP.

Sa ngayon ay kinordonanan na ng police line ang paligid ng Manila Pavilion
at nadadaanan na rin ng mga motorista ang kahabaan ng Maria Orosa at UN
Avenue na pansamantalang isinara noong Linggo at kahapon dahil sa sunog sa
naturang hotel.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments