Manila, Philippines – Hinimok ng Malacañang ang Office of the Ombudsman na magsagawa ng sariling imbestigasyon hinggil sa mga maanomalyang transaksyon sa Department of Tourism (DOT).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa lusot sa pananagutan si dating Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board Cesar Montano sa kaling mapatunayan na nagkaroon ng iregularidad sa kaniyang mga naging proyekto.
Matatandaan na kwinesyon ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-puyat ang P80 milyong na pondo ng buhay karinderya na inilabas agad kahit hindi pa nagsisimula ang proyekto.
Facebook Comments