IIMBESTIGAHAN | P6.8-B smuggled shabu, pinapaimbestigahan ni Sen. Pacquiao

Manila, Philippines – Inihain ni Senator Manny Pacquiao ang senate Resolution Number 843 na nagtatakda ng imbestigasyon ng Senado sa 6.8-billion pesos na halaga ng shabu na nakalusot sa bansa.

Target na mabusisi ng senador sa pagdinig ang umano ay kawalan ng koordinasyon sa pagitan ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).

Kasabay nito ay nagpahayag din si Senator Pacquiao ng pagkadismaya sa patuloy na pagpasok sa bansa ng ilegal na droga sa kabila ng war on drugs ng Duterte Administration.


Kaugnay nito ay inilahad din ni Senator Pacquiao ang hangarin niyang i-firing squad ang mga smuggler ng ilegal na droga.

Si Pacquiao ay isa sa pangunahing nagsusulong na ibalik ang death penalty sa bansa laban sa mga sangkot sa high level drug trafficking.

Facebook Comments