Manila, Philippines – Hiniling ng ilang mga abugado sa United Nations Special Rapporteur on the independence of judges and lawyers na imbestigahan ang mga pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng hudikatura sa Pilipinas.
Ayon kay Integrated Bar of the Philippines Chairman Atty. Ade Fajardo, kabilang sa isinumbong nila sa UN ang pagbabanta ni Duterte laban kay Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Kasama rin sa kanilang report ay ang quo warranto petition at impeachment complaint laban kay Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno, ang pagkakapatay sa abugado ng drug suspek na si Kerwin Espinosa at pagtuligsa sa mga abugadong humahawak sa human rights cases.
Giit naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi sa Malacañang nagmula ang panawagang ma-impeach si Sereno.
Aniya, lumabas ito nang humarap sa justice committee sa kamara ang ilang mahistrado.
Ang mga banat aniya ng Pangulo ay sagot lamang sa mga patutsaa ni Sereno.