IIMBESTIGAHAN | Pagdinig ng LTFRB sa trahedyang kinasasangkutan ng Dimple Star Bus, itinakda sa susunod na buwan

Manila, Philippines – Itinakda ng Land Transportation Franchising and
Regulatory Board sa ikatlong linggo ng Abril ang pagdinig sa insidenteng
kinasangkutan ng Dimple Star Bus kung saan 19 ang nasawi at 21 ang
nasugatan.

Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang Dimple Star Bus
sa aksidente.

Noong Hulyo 2011, tatlo ang patay matapos mahulog mula sa Skyway sa Sucat
Exit ang isa sa kanilang bus.


May tatlo pang aksidenteng kinasangkutan ang naturang bus na naitala mula
2013 hanggang 2014, kung saan apat ang patay at 58 ang sugatan.

Tiniyan naman ng LTFRB na mag-iisyu sila ng special permit sa mga rutang
apektado ng preventive suspension order sa Dimple Star upang ayudahan ang
mga pasaherong pauwi sa kanilang lalawigan sa Holy Week.

<#m_-789263348544934646_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments