IIMBESTIGAHAN | Pagkamatay ng isang engineering student ng Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Pampanga, sisiyasatin ng CHED

Pampanga – Sisiyasatin na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagkamatay ng isang engineering student ng Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Pampanga.

Sa isang statement na inilabas ni CHED Commissioner Ronald Adamat, nais nitong malaman kung may pananagutan ang state university sa pagkamatay ng 27 anyos na si Kenneth Masa Ramos noong Abril 4 ng taong kasalukuyan.

Nagkasundo ang CHED at DHVT State University Board of Regents na magpulong bukas para bumuo ng investigative committee na tututok sa kaso.


Base sa ulat, nagpatiwakal ang estudyante dahil sa kabiguang makagraduate ngayong taon.

Una nang nilinaw ng eskuwelahan na ang pagpapatiwakal ng estudyante ay bunsod ng hindi pagkasama ng kanyang pangalan sa mga ga-graduate ngayong taon, dahil hindi naipasa ang pitong subjects.

Binigyan na nila ng humanitarian considerations ang estudyante para maayos nito ang mga bagsak na grado pero hindi daw nito nagawa ang mga requirements bago ang graduation.

Facebook Comments