Tahasang kinukondena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang ginawang pagmasaker sa 9 na magsasaka sa Negros Occidental.
Ayon kay Bayan Secretary Renato Reyes, nananawagan sila sa mga otoridad na masusing imbestigahan ang nasabing insidente.
Ang 9 ay pawang mga myembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na umuukupa sa Hacienda Nene, Barangay Bulanon Negros Occidental at pinagbabaril nang hindi bababa sa 6 na gunmen noong Sabado ng gabi.
Sinabi ni Reyes na ganito ang sinapit ng mga kaawa-awang magsasaka na inilalaban lamang ang kanilang karapatan.
Kasunod nito nanawagan ang grupo sa Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan din ang nasabing masaker sa mga magsasaka.
Facebook Comments