Manila, Philippines – Inatasan ni Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pananambang at pagpatay kay Quezon City Deputy Prosecutor Rogelio Velasco.
Ayon kay Guevarra, pinatutukoy niya sa NBI ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Velasco.
Si Velasco ay tinambangan noong Biyernes ng hapon habang siya ay sakay ng kanyang SUV.
Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na hindi bababa sa dalawampung bala ng baril ang tumama sa sasakyan ni Velasco na siyang ikinamatay nito.
Facebook Comments