Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ng Gabriela Partylist ang umano ay palihim na pag-aalis na mga istatwa ng Comfort Women sa Roxas Boulevard, lungsod ng Maynila.
Ayon kay Gabriela OIC Gert Libang, dapat ibalik ito sa dati niyang pwesto.
Mahalaga aniya ang istatwa sa kasaysayan ng Pilipinas dahil simbolo ito ng paghihirap na sinapit ng mga kababaihan sa kamay ng mga Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pero depensa naman ni Manila City Hall Administrator Erickson Alcovendaz, ginawa ito para bigyang daan ang drainage system project sa naturang lugar.
Itinanggi rin ni Alcovendaz na undercover ang ginawang pagtanggal sa istatwa.
Nilinaw din ng opisyal na hindi lang ang Comfort Women Statue ang tinanggal sa lugar dahil inalis din ang tatlong marker doon at lahat ng ito ay ginawa sa legal na paraan.