IIMBESTIGAHAN | Pangulong Duterte, alam na ang report ng COA kaugnay sa milyon-milyong pisong pondo nito na ibinayad umano sa media production ng mga Tulfo

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na umaandar na ang kanilang imbestigasyon sa issue ng pagbabayad umano ni Tourism Secretary Wanda Teo ng 60 million pesos sa media production company na pagaari ng kanyang mga kapatid.

Matatandaan na batay sa report ng Commission on Audit (COA) ay nagbayad ang Department of Tourism (DOT) ng 60 milyong piso sa mga kapatid ni Teo na sina Erwin at Ben Tulfo na mayroong block time program sa PTV 4 na pagaari ng gobyerno kung saan ipinalalabas ang mga commercial ng tourism department.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang issue at sisilipin din ang COA Report.
Dedepende aniya sa magiging resulta ng kanilang imbestigasyon kung ano ang mga gagawing hakbang ng Malacañang sa nasabing issue.


Facebook Comments