Manila, Philippines- Iimbestigahan na ng Senado ang patuloy na Militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Dalawang komite ang magsasagawa ng public hearing kabilang ang Senate Committee On Foreign Relations ni Senator Loren Legarda at Senate Committee on National Defense and Security ni Senator Gringo Honasan.
Alinsunod ito sa dalawang resolusyon na inihain nina Senator Antonio Trillanes at Bam Aquino.
Sa ilalim ng Senate Resolution 723, nais paimbestigahan ni Trillanes ang pagtatayo ng China ng missile system sa tatlong outpost sa Spratly’s.
Sa nasabi ring resolusyon, iginiit ni Aquino na kailangang protektahan ang interes ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Facebook Comments