IIMBESTIGAHAN | PNP, bumuo na ng SITF para imbestigahan ang nangyaring misencounter sa Sta. Rita, Samar

Samar – Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Force (SITF) para imbestigahan ang pagkamatay ng anim na pulis habang siyam ang sugatan matapos magkaroon ng misencounter sa pagitan ng mga sundalo sa bayan ng Sta. Rita, Samar.

Ayon kay Leyte Region Police Director, Chief Superintendent Mariel Magaway, pawang mga PO1 ang mga nasawing pulis na miyembro ng Regional Mobile Force Battalion 8.

Nagsasagawa ang mga pulis ng combat operations bilang bahagi ng kanilang training nang sila ay atakehin.


Base sa inisyal na ulat, ang nakaengkwentro ng mga pulis ay isang army lieutenant at 16 na enlisted personnel mula sa 87th Infantry Battalion ang nag-open fire sa mga pulis.

Tumagal ang 20 minuto ang bakbakan bago nakarating ang police reinforcements.

Hindi naman masabi ni Magaway kung napagkamalan ng mga sundalo na NPA ang mga pulis.

Tumanggi munang magbigay ng detalye si Magaway sa pagkakakilanlan ng mga casualty habang ipinapaalam pa sa mga pamilya o kaanak nito.

Facebook Comments