Manila, Philippines – Magsasagawa ang Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ng lifestyle investigation sa mga pulis na sangkot sa ilegal na aktibidad.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfergar Triambulo – nakumpleto na nila ang operation plan para maglunsad ng lifestyle check sa mga hinihinalang police scalawags
Aniya, nakipag-coordinate na sila sa iba pang government agencies tulad ng office of the ombudsman, Bureau of Internal Revenue (BIR) at Land registration Authority (LRA) para tulungan ang mga imbestigador.
Hindi na ibinigay ni triambulo ang eksaktong bilang ng mga abusado at tiwaling pulis.
Sakop ng lifestyle investigation ang mga dati at kasalukuyang aktibidad ng mga pulis maging ang kanilang mga asawa at kamag-anak.