IIMBESTIGAHAN | PNP, pansamantalang hindi makikipag-ugnayan sa 6 na kooperatiba matapos ireklamo ng 74 na pulis

Manila, Philippines – Hindi na muna direktang babayaran ng PNP Finance Service ang anim na kooperatiba na inuutungan ng kanilang ilang PNP personnel.

Ito ay matapos na magreklamo ang 74 na pulis dahil sa mataas na kaltas sa kanilang sweldo at haba ng kanilang pagbabayad sa kanilang utang.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon laban sa anim na kooperatiba patungkol sa reklamo ng mga pulis ay hahayaan na muna nilang direktang magbayad ang mga pulis na nangutang sa anim na kooperatiba.


Ang anim na kooperatibang ito ay ang GCSMPC, KOOP pulis, pulis kapit bisig, tagapagtaguyod, YAKKAP, at FFMC.

Aabot sa 3000 pulis ang nangutang sa anim na kooperatiba.

Paliwanag pa ni PNP Chief na nagdesisyon silang hindi na muna makipag-ugnayan sa anim na kooperatiba ay upang linisin ang pangalan ng PNP sa umano’y mga paratang na kumikita ang PNP partikular ang ilang heneral sa pagpapautang ng mga kooperatiba.

Facebook Comments