IIMBESTIGAHAN | Runway overshoot sa NAIA, sisiyasatin sa Kamara

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng house committee on transportation ang nangyaring overshoot sa runway sa NAIA ng Xiamen airlines noong nakaraang linggo.

Ayon kay House Committee on Transportation Chairman Cesar Sarmiento, kailangan na magkaroon ng pagsisiyasat sa nangyaring insidente sa NAIA upang makabuo ng solusyon para maiwasan na maulit ang aberyang idinulot ng pagsadsad ng eroplano kung saan libu-libong pasahero ang na-stranded.

Sinabi ni Sarmiento na malaki ang pagkukulang ng mga opisyal ng NAIA, Manila International Airport Authority (MIAA), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Transportation (DOTr) dahil dapat ay naagapan ang ganitong insidente at hindi tumagal ng ilang araw.


Aniya, ang ganitong insidente ng overshoot sa runway ng isang eroplano ay talagang nangyayari sa mga paliparan kung minsan kaya dapat anumang oras ay mayroong sapat na kagamitan upang agad na naisagawa ang pag-alis sa sumadsad eroplano.

Bukod sa aberya sa mga byahe, apektado din ng insidente ang ekonomiya ng bansa.

Samantala, ipinauubaya naman ng kongresista sa executive department ang pagpapanagot sa mga opisyal ng paliparan na nagkulang sa mabilis na pagtugon sa nangyaring insidente.

Facebook Comments