IIMBESTIGAHAN | Sen. Grace Poe, paiimbestigahan ang pagtatakda ng sariling pasahe ng mga TNVS

Manila, Philippines – Nais paimbestigahan ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe ang pagtatakda ng pasahe ng ride-hailing services.

Ito ay kasunod ng ulat na ilegal na nagpapataw ang Grab Philippines ng dalawang piso na kada minutong singil bawat biyahe.

Inihain ni Poe ang Senate Resolution No. 729 na nagtatakda ng pagdinig para sa patas na fare collection rules sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).


Ayon kay Poe, mahalagang malaman ng publiko ang fare setting at disclosure mechanics ng mga Transport Network Companies (TNC).

Matatandaang sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 2-pesos per minute charge habang ipinetisyon ito ng Grab na muling ibalik.

Una nang nilinaw ng LTFRB na may basbas mula sa Department of Transportation (DOTr) ang pagtatakda ng sariling pasahe ang mga TNVS.

Facebook Comments