IIMBESTIGAHAN | Senate resolusyon para maimbestigahan ng Senado ang Boracay closure, plantsado na

Boracay – Naisapinal na ni Senator Antonio Trillanes IV at ihahain na bukas ang resolusyon na mag-aatas sa senado na imbestigahan ang pagsasara ng Boracay sa loob ng anim na buwan.

Target ni Trillanes na mailantad sa pagdinig na ang pagtatayo ng casino ang tunay na dahilan kaya isasara boracay at hindi lang para isailalim ito sa rehabilitasyon.

Hindi rin kumbinsido si Trillanes sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala itong alam patungkol sa planong pagtatayo ng casino sa Boracay.


Imposible din para kay Trillanes ang pahayag ni Pangulong Duterte na gawing Land Reform Area ang Boracay dahil wala namang farm lots o mga bukid dito at walang mga magsasaka.

Kasabay nito, hinikayat ni Trillanes ang mga residenta sa komunidad na nakakasakop sa Boracay na dumulog sa Supreme Court para humingi ng Temporary Restraining Order o TRO na pipigil sa pagsasara niyo simula ngayong April 26.

Facebook Comments