Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sobrang kaltas ng Philippine National Police finance department sa sweldo ng mga pulis na pambayad sa mga private loan shark.
Sabi ni Assistant to the President Secretary Bong Go, nakarating na kay Pangulong Duterte ang problema ng maraming pulis dahil sa iligal na pagkaltas sa sweldo ng mga ito na ipinadadaan sa finance department ng PNP.
Partikular na inatasan aniya ni Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Año at PNP Chief Director General Oscar Albayalde na imbestigahan ang isyu at gawan kaagad ito ng aksyon.
Ayon pa kay Go, ayaw na ng Pangulo na idaan pa sa PNP finance department ang pagbabayad ng utang ng mga pulis sa mga lehitimong loan shark.
Facebook Comments