IIMBESTIGAHAN | Tourism Sec. Berna Puyat, paiimbestigahan ang lahat ng proyekto sa ilalim ni dating Tourism Sec. Wanda Teo

Manila, Philippines – Tiniyak ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na paiimbestigahan niya lahat ng proyekto sa ilalim ni dating DOT Secretary Wanda Teo.

Ayon kay Puyat, ipinatigil na niya muna lahat ng proyekto ng DOT kasama na ang buhay carinderia ng Tourism Promotions Board (TBP) na pinamumunuan ni Cesar Montano.

Bukod pa rito, sabi ni Puyat, may nasilip rin siyang mga fashion show sa ibang bansa na masyadong malaki ang pondo at napunta sa mga “malalapit” sa dating pamunuan ng DOT.


Kuwestiyonable rin aniya ang mga biyahe at events gaya ng golf tournament.

Dahil dito, nais ni Puyat na dagdagan pa ng Commission on Audit (COA) ang kanilang mga auditors sa dot para mabusisi ang lahat ng gastos ng mga opisyal nito.

Posible rin aniyang bawasan niya ang kaniyang mga undersecretary at assistant secretary.

Facebook Comments