IIMBESTIGAHAN | Ugat ng gusot sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas, papa-imbestigahan ni Senator Binay

Manila, Philippines – Plano ni Senator Nancy Binay na maghain ng resolusyon na magsusulong ng imbestigasyon sa senado ukol sa gusot ngayon sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

Ayon kay Senator Binay, pangunahing tututukan ng imbestigasyon ang responsable sa paglabas sa social media ng video ng pag-rescue ng mga tauhan ng embahada ng Pilipinas sa ilang Overseas Filipino Work (OFW) sa Kuwait.

Punto ni Binay, sa nabanggit na video, nag ugat ang galit ngayon ng Kuwaiti government idineklarang persona non grata si Ambassador Renato Villa.


Giit ni Senator Binay, dapat managot ang nasa likod ng pagkalat ng kontrobersyal na video at dapat din matiyak na hindi na ito mauulit.

Inaasahang sa pagdinig ay malilinawan din ang code of conduct lalo na sa paglalabas sa social media ng mga sensitibong video at dokumentasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments