IIMBESTIGAHAN | UN, pinaiimbestigahan ang mga alegasyong chemical attack sa Syria

Amerika – Ipinasisilip ng United Nations ang mga alegasyong chemical attack sa Syria.

Kasunod ito ng pakikipagpulong ni UN Secretary General Antonio Guterres sa pinuno ng Organization for the Prohibition of Chemical Attacks (OPCA) kaugnay sa mahigit 70 kaso ng toxic gas attack sa Syria noong 2014.

Matatandaang ipinaalam ng OPCA sa UN ang mga alegasyong ng paggamit ng chemical weapons na chlorine sa Eastern Ghouta na isa sa mga nais kontrolin ng Syria.


Ayon kay Guterres, dapat na matutukan ang usapin lalo at mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng chemical weapon sa kahit ano pa mang dahilan.

Facebook Comments