IIMBESTIGAHAN | NBI, papasok na sa imbestigasyon kaugnay ng 8.1 billion health station project anomaly

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang maanomalyang P8.1 billion barangay health station project ng Department of Health (DOH) noong nakaraang administrasyon.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, posibleng imbitahan din nila sa dating Health Sec. Janette Garin at iba pang dati at kasalukuyang mga opisyal ng DOJ sa isasagawang imbestigasyon.

Gayunman, ipinauubaya na ni Guevarra sa NBI kung ipapatawag nila si Garin at iba pang opisyal ng pamahalaan para sa fact-finding probe.


Ilan din sa mga proyektong naitayo na ay giniba dahil sa kakulangan ng koordinasyon ng DOH sa Department of Education (DepEd).

Facebook Comments