
Nababahala ang Philippine Constitution Association (PHILCONSA) sa naging ruling ng Korte Suprema na ideklarang labag sa Saligang Batas ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay PHILCONSA Chairman retired Chief Justice Reynato Puno, bagama’t iginagalang nila ang Supreme Court ay tila lumagpas ito sa limitasyon, ginambala ang prinsipyo ng separation of powers, at pinahina ang kapangyarihan ng Kongreso na panagutin ang mga impeachable officials.
Tutol umano sila sa interpretasyon ng mga mahistrado sa one-year bar rule na layon daw na maiwasan ang harassment sa pamamagitan ng paulit-ulit n impeachment proceedings, at hindi upang protektahan ang mga impeachable officer sa pamamagitan nang pagkukubli sa filing ng petition.
Dahil dito, hinikayat ni Puno ang Senado na nagsisilbing impeachment court na gampanan ang kanilang mandato at ituloy ang paglilitis.
Uusad lamang daw kasi ang impeachment kung nakita na sapat ang batayan sa reklamo at nai-refer sa Committee on Justice.
Hindi rin naman anila nakarating sa ganitong punto ang mga naunang impeachment complaint laban sa pangalawang pangulo.









