IINSPEKSYUNIN | PNP Chief Oscar Albayalde, tutungo sa Boracay ngayong araw

Manila, Philippines – Nakatakdang tumungo ngayong sa Boracay Island si Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde.

Iinspeksyunin nya ang seguridad na inilatag na doon ng kanilang hanay at bantayan ang unang araw ng pagpapatupad ng pagsasara sa isla.

Bago magtanghali, inaasahan ang pagdating ni Albayalde sa Boracay.


Una nang sinabi ni Albayalde na inatasan nya na si Region 6 Director Cesar Binag na magmando sa seguridad na ipinapatupad sa isla.

Sinabi nya ring nakadeploy na roon ang 600 mga pulis na magbabantay sa lahat ng kaganapan lalo na sa posibleng kilos protesta na ikasa ng mga tutol sa gagawing pagpapasara.

Kahapon ay naging maayos naman sa kabuuang simulation exercise na ginawa ng PNP sa isla.

Ang Boracay ay isinara epektibo kaninang alas-12:01 ng madaling araw alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maisailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Facebook Comments