Inaasahan ngayong araw ang pagdating ng nasa 36 na Overseas Filipino Workers (OFWs) na naipit sa nagpapatuloy na sigalot sa Israel.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang mga uuwing OFWs ay kinabibilangan ng 32 Pinoy caregivers at apat na hotel workers.
Dakong alas-6:20 mamayang gabi nakatakdang dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 1 ang mga naturang OFW sakay ng Philippine Airlines o PAL flight 731 mula Tel-Aviv.
Ito na rin ang ika-10 batch ng mga OFW na piniling umuwi sa bansa matapos maipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng militant rebel group na Hamas ng Palestine.
Samantala, tiniyak naman ng na matatanggap ng mga naturang OFWs ang tulong na ibibigay sa kanila ng Pamahalaan upang nakapagsimula ng panibagong buhay sa kanilang pagbabalik dito sa Pilipinas.