Ika-12 batch ng distressed OFWs mula Saudi Arabia, dumating na sa bansa

Malugod na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 341 distressed Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sakay ng Philippine Airlines chartered flight.

Ang mga umuwing OFW ay sumailalim sa COVID-19 Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test at mananatili sila sa quarantine hotel hanggang sa lumabas ang resulta na sila ay negatibo sa COVID-19 test.

Mula noong Pebrero, sunod-sunod ang pagdating sa bansa ng malaking bilang ng distressed Pinoy workers mula sa Middle East.


Tiniyak naman ng DFA na magpapatuloy ang kanilang mass repatriation sa OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments