Ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, tuloy sa kabila ng banta ng COVID-19

Itutuloy pa rin ang selebrasyon ng ika-122 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa kabila ng banta ng COVID-19 sa Kawit, Cavite.

Sinabi ni Kawit, Cavite Mayor Angelo Emilio Aguinaldo na magiging maiksi at simple lamang ang selebrasyon ng Independence Day alinsunod sa kasunduan ng lungsod sa National Historic Commission at Inter-agency Task Force.

Hindi naman makadadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing pagdiriwang bilang pag-iwas sa pagdagsa ng maraming tao.


Inaasahang magiging kinatawan ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea sa gaganaping Independence Day rites bukas sa Luneta.

Facebook Comments