Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa taunang pag-alala at pagkilala sa naging buhay, kontribusyon at kabayanihan ni Pambansang Bayani Dr. Jose P. Rizal ngayong Dec. 30, 2024.
Inalayan ng mga bulaklak ng iba’t-ibang organisasyon ang nakatayong monumento nito sa bungad mismo ng City Plaza. Sa mensah ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, inihayag nito ang oportunidad sa pagkamit ng natatanging bisyon ng bayani na maaaring maitaguyod sa lungsod ng Dagupan – ang bayang may pag-asa, pag-unlad at pagkakaisa.
Ngayong ginugunita ang kanyang pagkamatay, nawa’y ang kanyang naging buhay ay maging inspirasyon upang patuloy na tayong magsumikap sa pagsasakatuparan ng mga minimithing pangarap tulad ng pagiging malaya, hindi lamang mula sa naging kamay ng mga nanakop, maging ang pagiging malaya rin mula sa kahirapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments