Ika-129 na anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, ginugunita ngayong araw

Ginugunita ngayong araw ang ika-129 anibersaryo ng kabayanihan ni Dr. Jose Rizal sa Pambansang Bantayog ni Rizal sa Liwasang Rizal, sa Maynila.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang flag-raising ceremony at pag-aalay ng bulaklak sa monumento ng pambansang bayani.

Kasama ng Pangulo sa seremonya sina Executive Secretary Ralph G. Recto, Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave M. Gomez, AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr., at National Historical Commission of the Philippines Chairperson Regalado T. Jose Jr.

Dumalo rin si Manila Mayor Francisco Moreno Domagoso at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Ngayong taon, isinagawa ang paggunita sa temang “Rizal: Sa Pagbangon ng mga Mamamayan, Aral at Diwa Mo ang Tunay na Gabay,” na nagbibigay-diin sa patuloy na kabuluhan ng mga aral at prinsipyo ni Rizal sa paghubog ng Bagong Pilipinas.

Matapos ang seremonya, pangungunahan naman ang Pangulo sa Rizal Park Open Air Auditorium ang taunang “Pamaskong Handog mula sa Pangulo” para sa 2,000 benepisyaryo mula sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila bilang bahagi ng paggunita sa Rizal Day at diwa ng malasakit sa kapwa.

Facebook Comments