Ika-13 batch ng Pinoy repatriates mula Israel, dadating bukas

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) OIC Hans Leo Cacdac, na dadating bukas sa bansa ang ika-13 batch ng Pinoy repatriates mula Israel.

Ayon kay Cacdac, ito ay binubuo ng 12 mga Pinoy.

Kahapon, dumating sa bansa ang ika-12 batch ng repatriates na binubuo ng 27 OFWs.


Kabilang sa mga dumating kahapon ang 25 mga caregivers at 2 hotel workers.

Sa pagdating ng ika-12 batch ng OFW’s, umaabot na sa kabuuang 362 na mga Pilipinong inilikas sa Israel ang napapauwi na sa Pilipinas, kabilang ang 14 dependents ng mga ito.

Facebook Comments