Isa pang molecular laboratory ng Philippine Red Cross (PRC) ang bubuksan sa Passi, Iloilo matapos makapasa sa proficiency test noong Disyembre 14, 2020.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon, ito na ang magiging ika-13 laboratoryo ng Red Cross.
Aniya, inaasahang sa lalong madaling panahon ay magiging operational na ang molecular lab oras na makumpleto ang requirements ng Department of Health (DOH).
Ang laboratoryo ay mayroong dalawang Polymerase Chain Reaction (PCR) machine at isang ribonucleic acid (RNA) extractor na kayang magproseso ng 1,000 tests kada araw.
Una nang binuksan noong nakaraang linggo ang ika-12 molecular laboratory ng red croos sa surigao.
Facebook Comments