Ika-131 pagkakatatag ng La Liga Filipina, ipinagdiriwang sa Maynila

Ipinagdiriwang ngayong araw ng Lunes, July 3, 2023 sa Tondo, Maynila ang ika-131 pagkakatatag ng La Liga Filipina.

Kaugnay nito, nagsagawa ng wreath laying ceremony sa Bantayog ng Liga Filipina sa Ylaya Street sa Tondo, Maynila kung saan isa rin itong historical marker.

Pinangunahan ang seremonya ng mga miyembro ng Gran Liga Soberana del Archipelago Filipino sa ilalim ng patnubay ng Supremo Consejo del Gradi 33 del Gran Oriente de Filipinas.


Kasama ring nakibahagi sa selebrasyon ang lokal na pamahalaan ng Maynila, National Historical Commission of the Philippines, MPD Station-2 at mga opisyal ng Brgy. 7.

Dito ay binigyang pugay nila ang nasabing samahan dahil sa sakripisyo at dedikasyon para ipaglaban ang bansa noong panahon ng pananakop ng kasta.

Nabatid na ang La Liga Filipina ay isang sikretong organisasyon na itinayo ng wting bayani na si José Rizal sa tahanan ni Doroteo Ongjunco sa Ilaya Street, Tondo , Manila noong July 3, 1892.

Facebook Comments