Ika-15 Batch ng mga OFW mula Israel, nakatakdang magbalik-Pilipinas ngayong araw

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers o DMW na aabot sa 29 na mga Overseas Filipino Worker o OFWs ang nakatakdang magbalik-Pilipinas ngayong araw buhat sa Israel.

Ayon sa DMW, bahagi pa rin ito ng repatriation efforts ng Pamahalaan para sa mga Pilipinong nagnais nang umuwi bunsod ng nagpapatuloy na gulo sa pagitan ng Israeli forces at ng grupong Hamas.

Batay sa abiso ng Department of Migrant Workers o DMW, ganap na alas-3:10 ng hapon mamaya nakatakdang lumapag ang Etihad Airways flight EY424 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City


Lulan nito ang 28 caregivers at 1 hotel worker na mapabibilang sa ika-15 batch ng mga OFW na uuwi sa bansa at makatatanggap ng tulong mula sa Pamahalaan.

Sa kabuuan, sinabi ng DMW na aabot na sa 424 na mga Pilipinong manggagawa sa Israel na piniling umuwi na sa bansa para lang makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Facebook Comments