Manila, Philippines – Isang dose anyos na babae ang ika-150 biktima ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.
Ayon kay Dr. Erwin Erfe, hepe ng Public Attorney’s Office – Forensic Laboratory, ang naturang biktima ay patuloy nilang isinasailalim sa forensic examination.
Sinabi ni Dr. Erfe na ang nasabing biktima ay tatlong beses na naturukan ng Dengvaxia vaccine.
Una nang inihayag ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta na marami pa silang susuriin na mga biktima ng Dengvaxia.
Ito ay dahil sa patuloy aniya silang nakatatanggap ng mga tawag mula sa pamilya ng mga batang naturukan ng nasabing bakuna.
Facebook Comments