Ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, ginunita ngayong araw; Pangulong Duterte, umapela sa mga Pilipino na tularan ang pagiging makabayan ng ating revolution hero

Kasabay ng paggunita ngayong araw ng ika-157 taong kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na tularan ang pagiging makabayan at tapang ng ating revolution hero.

Sa umereng kanyang taped speech sa wreath-laying ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan City, binigyan-diin ng Pangulong Duterte na mahalaga ang pagiging makabayan at pagkakaroon ng tapang lalo na ngayong nahaharap ang bansa sa pandemya ng COVID-19.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa pagmamahal ni Bonifacio sa bansa ay naipaglaban ng ating mga ninuno ang kalayaan ng Pilipinas.


Habang nanawagan naman ni Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na isadiwa ang tapang ni bonifacio sa anumang paraan, pagkakataon at sa maliit o malaki mang bagay na maitutulong sa sambayanang Pilipino.

Samantala, bilang kinatawan naman ng Pangulo, pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang wreath-laying ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.

Nanawagan din si Lorenzana sa mga rebeldeng grupo na tumigil na ang pakikipaglaban sa pamahalaan kasunod ng pagkamatay ng bunsong anak ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat sa engkwentro sa Surigao Del Sur.

Facebook Comments