Nagsagawa ng wreath laying ceremony ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Liwasang Bonifacio.
Ito’y kasabay ng ika-160 araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio na may temang “Katungkulan at Pananagutan Tungo sa Kaunlaran ng Bayan”.
Bukod sa Manila LGU, dumalo rin sa nasabing seremoniya ang ilang opisyal ng Philippine Navy, Philippine Marines, Department of Education (DepEd) at iba pang pribadong grupo.
Maliban sa ikinakasang programa ngayong umaga, magkakaroon din ng stage play mamayang gabi sa Liwasang Bonifacio.
Kaugnay nito, muling ipinapaalala ni Mayor Lacuna sa lahat lalo na sa mga kabataan na huwag kalimutan ang mga nagawa ni Bonifacio maging ang ilang mga bayani para makuha ang kalayaan para sa kinabukasan ng bayan.
Facebook Comments