Ika-163 na anibersaryo ng kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, ginunita sa Maynila

Photo: Radyoman Emman Mortega

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal.

Ito’y bilang bahagi ng paggunita ng ika-163 na anibersaryo ng kapanganakan ng ating pambansang bayani.

Bukod sa Manila Loval Government Unit (LGU), nakasama rin sa seremoniya ang Philippine Navy, National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Parks Development Committee (NPDC) at iba pang sector.


Nagbigay rin ng 21-gun salute ang Philippine Navy matapos ang wreath-laying ceremony.

Hiwalay rin nag-alay ng bulaklak ang mga opisyal at kawani ng NPDC.

Dumating din ang iba pang grupo para magbigay din ng bulaklak sa monumento ni Dr. Rizal.

Alas-8:15 nang umaga nang buksan naman sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Boulevard na unang isinara para sa aktibidad.

Facebook Comments