Ika-18 kaso ng COVID-19 sa Kamara, pumanaw na

Nasawi na ang ika-18 kaso ng COVID-19 sa Kamara.

Sa isang statement ni House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, kinumpirma nito ang ikatlong empleyado ng Kamara na namatay sa Coronavirus Disease.

Ang nasawing empleyado ay 52 taong gulang na lalaki na nakatalaga sa Bills and Index Service ng Mababang Kapulungan.


Naka-work-from-home na ang nasabing empleyado mula noong June 18, 2020 pero pumasok ito noong June 29, 2020 para sa mga dokumento.

Mayroon aniyang sakit na hypertension ang nasawing empleyado at na-admit sa ospital noong July 17, 2020 matapos makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

July 20, 2020 nang makumpirmang postibo ito sa virus.

Ito na ang ikatlo sa mga nasawi sa COVID-19 na empleyado ng Kamara kung saan una rito ang kawani mula sa Printing Services at ang ikalawa ay Chief of Staff ng isang kongresista.

Facebook Comments