Ligtas na nakauwi ng Pilipinas ang nasa 24 Overseas Filipino Workers (OFW) at isang menor de edad na mula sa Israel.
Ito na ang ika-18 batch na mga OFW na napauwi ng gobyerno ng Pilipinas.
Karamihan sa mga umuwing Pinoy ay mga caregiver na tinulungang makauwi ng Department of Migrant Workers – Overseas Workers Welfare Administration (DMW – OWWA) Team ng Embahada.
Ayon sa OWWA bago ang kanilang flight, pauwi ng bansa binigyan sila ng emergency financial assistance, transportation, temporary accommodation, food, legal services at briefing sa kanilang reintegration benefits sa Pilipinas.
Samantala, sinalubong naman ang mga Pinoy na lulan ng Flight EY424 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng OWWA Repatriation team, DMW, Department of Health (DOH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan binigyan sila ng financial assistance, pamasahe pauwi sa kanilang mga probinsya at hotel accommodation.