Ika-19th batch ng Pinoy repatriates mula Israel, padating na ng Pilipinas

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel na padating na ang ika-19 na batch ng Filipino repatriates mula Israel.

Bago ang kanilang flight, isinailalim muna sila sa briefing sa kanilang reintegration benefits pagdating sa Pilipinas.

Binigyan din sila ng emergency financial assistance, transportation, temporary accommodation, pagkain, at legal services.


Tiniyak naman ng Embahada na nananatiling bukas ang kanilang repatriation program sa mga Pinoy sa Israel na naapektuhan ng Israel-Hamas conflict.

Facebook Comments