Mapayapa sa kabuuan ang isinagawang ikalawang bahagi ng Plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Ito ang security assessment ng Armed forces of the Philippines sa kabila ng mga naganap na mga pagsabog kahapon sa ilang lugar sa Lanao del Norte at Maguindanao.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato, na sa kabila ng mga pagsabog kahapon ay hindi ito nakaapekto sa isinagawang plebesito.
Sa katunayan mataas ang bilang ng mga nakiisa para sa plebesito na natapos eksaktong alas-3:00 ng hapon kanina.
Hindi rin aniya nilang masasabing may koneksyon sa BOL plebiscite ang nangyaring mga pagsabog dahil walang naitalang casualties.
Una nang nagdeploy ang AFP nang mahigit tatlong libong sundalo na tumutok lamang sa mga polling centers sa Lanao del Norte at Maguindanao para masigurong payapa ang plebisito.